-- Advertisements --

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na nakahanda ang Pilipinas na makagawa ng isang “matatag na talent pool” ng mga propesyonal sa semiconductor sa 2028 sa suporta ng US sa ilalim ng CHIPS Act nito.

Binanggit ng Punong Ehekutibo na ang Pilipinas ay inaasahang gagawa ng humigit-kumulang nasa 128,000 semiconductor engineers at technician na tutugon sa pangangailangan ng teknolohiya sa mga darating na taon.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng makipag pulong ito sa courtesy call ng US government at ng Presidential Trade and Investment Mission (PTIM) delegation sa MalacaƱang kaninang tanghali.

Ayon sa Presidente ang CHIPS Act na nag-o-otorisa ng bagong pondo para palakasin ang research at manufacturing ng
semiconductors sa Amerika.

Ang semiconductor and electronics sector ang siyang top performer sa merchandise exports para sa Pilipinas, na umaabot sa 60 percent ng kabuuang merchandise exports.

Siniguro ng Pangulo na ang Pilipinas ay nakahandang suportahan ang mga US companies sa kanilang research and development endeavors maging sa iba pang support operations.