Nahigitan na ng Pilipinas ang kanilang gintong medalya na nakuha noong nagdaang Southeast Asian Games.
Base kasi sa pinakahuling medal tally sa nagpapatuloy na SEA Games sa Cambodia ay mayroon ng 58 ng gold medal, 86 silver at 116 na bronze medals.
Kumpara sa nagdaang SEA Games sa Hanoi, Vietnam ay mayroon lamang na 52 na gold medal ang nakuha ng Pilipinas.
Pinakahuling nakakuha ng gintong medalya para sa Pilipinas ay si Claudine Veloso ng Womens 52kg K1 Kickboxing.
Nangunguna pa rin ang Vietnam na mayroong 136 na gold, 105 silver at 114 na bronze na sinundan ng Thailand na mayroong 108 na gold, 96 silver at 108 na bronze habang nasa pangatlong puwesto ang Indonesia na mayroong 86 gold, 81 silver at 109 na bronze at pang-apat ang host country na Cambodia na mayroong 81 gold, 74 silver at 126 na bronze.
















