-- Advertisements --

Hindi nagustuhan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang pinakabagong insidente sa West Philippine Sea kung saan binangga, binomba ng tubig at hinarass ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre at saAyungin Shoal.

Sinabi ng Pangulo nakaka-alarma ang aksiyon ng China sa West Philippine Sea na hindi pa rin i-invoke ang Mutual Defense Treaty sa Estados Unidos.

Inihayag ng Presidente nakaka-bahala na ang ginawa ng China Coast Guard dahil nag resulta ito pagka-sira ng cargo ship at pagka sugat ng apat na personnel.

Sinabi ng Pangulo, dahil dito maghahain ang Pilipinas ng protesta laban sa China at umaasa na maipagpapatuloy ang pag-uusap ng gayon makahanap ng paraan ng sa gayon hindi na mauulit pa ang mga ganitong insidente sa West Philippine Sea.

Tahasang inihayag ni Pang. Marcos na ang presensiya ng dalawang Chinese research vessel sa Philippine Rise ay malinaw na panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas at nakakabahala ito.

Sinabi ng Pangulo na posible ang kanilang presensiya sa Philippine Rise ay escalation sa nangyayaring tensiyon sa West Philippine Sea.