May bagong siyam na bansa na nasa “Red-List” ang pagbabawalan ng gobyerno na makapasok sa bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi tatanggapin ng gobyerno ang mga galing sa mga bansang Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia at Switzerland.

Magsisimula ito mula alas-12:00 ng tanghali ng Setyembre 12 hanggang alas-11:59 ng gabi sa Setyembre 18.

Hindi naman kasama rito ang mga “returning Filipinos” mula sa repatriation program ng gobyerno at non-government repatriation programs.

Ang mga pasahero mula sa Red-List na nakarating sa bansa bago ang travel ban ay kailangan sumailalim sa 14-day quarantine.