Gagawing dahan-dahan ng pamahalaan ang transition o paglipat patungo sa new normal o sa ilalim ng Alert Level 1.
Ayon sa Department of Health (DOH) spokesperson na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasabay ng tatahaking landas na ito ay ang hindi pagtanggal sa direktiba hinggil sa mandatory na pagsuot ng face masks.
Para mailagay ang isang lugar sa ilalim ng Alert Level 1, sinabi ni Vergeire na dapat 80 percent ang vaccination rate nito sa mga senior citizens at mga tao na mayroong comorbidities. Bukod pa rito na dapat mayroon ding safety seal ang mga establisiyemento sa mga ito.
Base sa datos ng DOH, mayroon nang 60 million katao sa Pilipinas na fully vaccinated, habang 60.6 million namang iba pa na initial dose pa lamang ang natatanggapm at 8 million na booster shots ang naituturok na hanggang noong Pebrero 9.