-- Advertisements --

Tinatapos na ng Department of National Defense (DND) ang mga implementing arrangements para sa Reciprocal Access Agreement (RAA) na pinirmahan nito kamakailan kasama ang Japan.

Layon ng kasunduang ito na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa larangan ng depensa.

Ang pagkumpleto ng implementing arrangements ay pinagtibay nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Japan Defense Minister Nakatani Gen sa kanilang pagpupulong sa Seoul Defense Dialogue na ginanap sa Republic of Korea.

Tinalakay ng dalawang kalihim ang mga detalye ng kasunduan upang matiyak ang maayos na implementasyon nito.

Ang pahayag ng Defense Department ay ginawa matapos maging epektibo ang RAA simula ngayong araw, ika-11 ng Setyembre, 2025.

Ito ay isang mahalagang hakbang para sa parehong bansa upang mapalakas ang kanilang seguridad at depensa.

Ang Reciprocal Access Agreement (RAA) ay maihahalintulad sa Visiting Forces Agreement (VFA) na mayroon ang Pilipinas sa mga bansang tulad ng Amerika at Australia.

Layunin nito na patatagin ang relasyong pangmilitar sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa pamamagitan ng mas madaling access at kooperasyon sa mga aktibidad na may kaugnayan sa depensa.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nakikinabang na sa radar systems na nagmula sa Japan, na malaki ang naitutulong sa Maritime Domain Awareness ng Armed Forces of the Philippines (AFP).