Ipinahayag nina Senadora Pia Cayetano at Loren Legarda ang kanilang kahandaan na dumalo sa isang posibleng special session kung ito’y hihilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na handa siyang sumunod sakaling magdesisyon ang Malacañang na magpatawag ng sesyon.
“Ask the Senate president. I mean, I’m a team player… Of course. ‘Pag nagpatawag ang presidente, bakit naman hindi?” ani Cayetano.
Samantala, maikling tugon lamang ang sinagot ni Legarda sa tanong tungkol sa special session: “We’ll attend.”
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, posibleng paboran ng Pangulo ang anumang opisyal na kahilingan para sa special session, lalo na kung magbibigay ito ng bagong liderato ng Senado na tinukoy ang Gatchalian bloc.
Sa kabilang panig nagbigay namang ng reaksyon si Senador Pia Cayetano tungkol sa naging pahayag ni Senador Jinggoy Estrada na ang kanyang Senate President ay ang kanyang kapatid na si Senador Alan Peter Cayetano.
“Hindi lang naman si Senator Jinggoy ang nagma-maintain noon. Lahat tayo… Nagkaroon ba ng majority vote of all its members for any other officer? Wala. It’s very simple. Huwag tayo magpapalito,” giit ni Cayetano.
















