Pia Wurtzbach 2
Pia Wurtzbach/ FB image

Tuluyan ng naghiwalay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at nobyong si Marlon Stockhinger.

Ito mismo ang kinumpirma ng manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez.

Hindi naman binanngit nito kung ano ang dahilan ng paghihiwalayan ng dalawa na nagsimula mula pa noong Oktubre.

Lumabas din ang nasabing usapin ng mapansin ng mga fans ni Pia na binura na nito ang larawan nila ng dalawa sa kaniyang Instagram account.

Nag-unfollow rin ang dalawa sa kanilang social media matapos ang ang halos tatlong taon na relasyon.