-- Advertisements --

Dinala ni Jason Perkins ang Phoenix Super LPG para talunin ang NorthPort Batang Pier 110-105.

Nagtala kasi ito ng career -high na 31 points at 12 rebounds para manatiling walang talo sa dalawang laban.

Pumuntos naman ng 23 points si Matthew Wright habang mayroong 17 points ang naiambag ni Justin Chua.

Ipinagmalaki naman ni Phoenix coach Topex Robinson na nagtulong-tulong ang mga manlalaro para manalo ang koponan.