Reading Time: 1 minute
Phoenix Pulse
Phoenix Pulse/ PBA image

Nalusutan ng Phoenix Pulse ang Rain or Shine 86-84 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup.

Itinuring na bayani ng laro si RR Garcia matapos na maipasok ang bola sa natitirang 1.5 seconds ng laro kung saan tabla sa 84 all ang laban.

Dahil sa nagawa nito ni Garcia ay nawala na ang naging pagkakamali nito ng hindi maipasok ang dalawang free throw nito sa natitirang 17. 6 seconds na nakalamang sana sila ng apat na puntos.

Nanguna sa panalo ng Phoenix si Eugene Phelps na nagtala ang 19 points, 20 rebounds at pitong assists.

Nag-ambag naman ng 15 points at 14 points naman si RR Garcia.

Nasayang naman ang nagawang 29 points at 10 rebounds ni Rain or Shine import Kayel Locke.

Nakahinga naman ng maluwag si Phoenix coach Louie Alas sa panalo ng kaniyang koponan na itinuturing na isang regalo sa kaniyang ika 56th kaarawan sa darating na Huwebes.