Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na lalong pinalakas at pinatatag ang relasyon ng Pilipinas at Amerika matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at US President Joe Biden.
Ito ang reaksiyon ni Romualdez na kasama sa delegasyon ni Pangulong Marcos sa kanyang working visit sa Estados Unidos.
Ayon kay Romualdez, higit pang tatatag ang bilateral partnership ng dalawang bansa lalo na sa aspeto ng economic, defense, cultural and investment cooperation dahil Amerika ang “majort partner and ally” ng Pilipinas.
Muling nananawagan si Romualdez sa mga American businessmen na maglagak ng negosyo sa ating bansa dahil ang Pilipinas ay mayruon ng “improved investment climate”.
Sinabi ni Speaker Romualdez na pwedeng mag-invest ang mga American companies sa manufacturing, railways, power generation at private-public partnership projects.
Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Amerika ang major sources ng foreign direct investments ng ating bansa bukod sa Singapore, Japan at the Netherlands.
Nitong Enero hanggang Mayo ng 2022 pumalo sa $4.2 billion ang foreign direct investment (FDI) sa bansa.
Sinabi ni Romualdez na sa kabila ng bumubuting FDI inflow, kailangan pa rin ng Pilipinas ang dagdag na investment.
“We need more investments to create jobs and income and improve the lives of our people. We have to attract more foreign capital because we are a bigger market than other smaller nations in our region,” pahayag ni Speaker Romualdez