-- Advertisements --

Inatasan ulit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Departemnt of Foreign Affairs na maghain ng isa pang diplomatic protest laban sa China dahil sa presensya ng 287 Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Nanatili pa rin kasi ang mga barko ng China sa karagatan ng Pilipinas base na rin sa maritime patrols na isinagawa noong Mayo 9.

Ayon sa pamahalaan ng Pilipinas, nakakalat pa rin ang Chinese maritime militia vessels sa loob ng exclusive economic zone ng bansa sa kabila ng mga naunang inihaing diplomatic protests ng DFA.

Nauna nang ipinangako ni Locsin na araw-araw silang maghahain ng diplomatic protests hanggang sa umalis sa West Philippine Sea ang lahat ng mga nakakalat na barko ng China.