Binigyang halaga ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang pangunguna sa flood mitigation o mga hakbang mapigilan ang pagbaha at pagiging handa sa tuwing may kalamidad.
Kinilala ang naimbag ng flood control infrastructure sa lungsod na siyang isa sa mga nakatulong umano upang hindi tumaas ang tubig-baha kasabay ng malalakas na pag-ulan dulot ng bagyo at Habagat.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, ang pagbuti ng sitwasyon ay bunsod aniya sa tuloy-tuloy na mga aksyon kontra baha kabilang ang dredging ng Marikina River.
Bagama’t kadalasan bahain dati, anila’y madaraanan na ngayon ang mga pangunahing kalsada at komunidad sapagkat nananatiling walang naiipon na tubig baha.
Binanggit pa ng alkalde ang buong-taong paglilinis at maintenance ng mga kanal, sapa, daluyan ng tubig at maging ang pagpapalakas ng drainage capacity ng Marikina upang mapagtibay ang kakayahan harapin ang pagbaha.
Nagpapaala naman si Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro sa publiko na manatili pa ring alerto at makibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan.















