Bumisita sa Pentagon si Defense Sec. Delfin Lorenzana at nakipagpulong kay US Defense Sec Lloyd Austin tungkol sa patuloy na kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT).
Sa nasabing pulong tinalakay ng dalawang kalihim ang isyu sa West Philippine Sea at siniguro ni Austin sa Pilipinas ang commitment ng Amerika.
Naunang hinilingin ng Plipinas ang comprehensive review sa pakikipag-alyansa ng bansa sa US dahil tila umano kulang ang tulong mula sa Washington kumpara sa non treaty ally sa gitna ng panggigigipit mula sa China.
Nakatakda din magpulong ang Bilateral Strategic Dialogue (BSD) para talakayin pa ang mga gagawing shared priorities para sa alyansa ng dalawang bansa at para himukin pa ang kani-kanilang armed forces na isustain ang kooperasyon sa ilalim ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB).
Nagkasundo din sina Austin at Lorenzana para sa iisang bilateral maritime framework para palakasin at isulong pa ang kooperasyon sa maritime domain.
Partikular na tututukan ay ang isyu sa West Philippine Sea kung saan patuloy sa pagiging agresibo ang China sa nasabing rehiyon.
Kinumpirma din sa nasabing pulong na kanila ng sisimulan ang mga proyekto sa inaprubahang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) locations sa Pilipinas.
Noong January 2019, nakumpleto ng US at Pilipinas ang first major project sa ilalim ng EDCA at ito ay sa Cesar Basa Air Base sa Pampanga province.
Sa ngayon apat pang mga locations ang target na kumpletuhin ito ay ang Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro; Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa sa Palawan, at Mactan Benito Ebuen Air Base sa Cebu.
Kinumpirma ng dalawang kalihim na patuloy magtutulungan ang dalawang bansa sa iba’t ibang hamon sa seguridad na hinaharap ngayon.