-- Advertisements --

Nakapagtala ng 3.6 magnitude na lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Calatagan, Batangas nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa earthquake bulletin ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig bandang 11:07 am ng umaga sa epicenter na 12 kilometro Hilagang-kanluran ng lungsod.

Ayon sa ahensya, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na siyang sanhi ng biglaang paggalaw sa mga fault at hangganan ng plate at may lalim na 66 kilometro.

Dagdag pa ng Phivolcs, wala namang nakikitang danyos at maging mga aftershocks sa naturang lungsod dahil hindi naman naramdaman sa karatig na mga siyudad ang naturang lindol.

Sa ngayon ay pinayuhan naman ang mga residente na mnatiling mapagmatyag dahil isa pa rin ang Batangas sa mga may mga aktibong fault lines partikular na ang Lubang Fault na siyang nasa pagitan ng Mindoro Island at ng Batangas.