Muling natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagbuo ng pressure sa loob ng bulkang Kanlaon.
Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, nitong araw ng Linggo ay naitala muli ng ahensiya ang pagtaas ng pressure sa loob ng bulkan na nagpapakita ng nagpapatuloy na aktibidad.
Dahil dito, hindi pa rin aniya maaaring tanggalin o ibaba ang Alert Level 3 na itinaas sa naturang bulkan, dahil nananatiling mataas ang banta ng panibagong pagsabog o mas mataas na bilang ng mga aktibidad.
Hanggang kahapon (March 9), napanatili ng bulkan ang mataas na gas emission na umaabot sa 2,407 tonelada kada araw. Muli din itong nakapagtala ng 18 volcanic earthquake kahapon.
Muli ding nakita ng Phivolcs ang bahagyang ground deformation sa ilang bahagi ng bulkan.
Ayon pa rin kay Bacolcol, ito ay sinyales ng pagkaka-ipon ng pressure sa ilalim nito, na posibleng magdulot muli ng panibagong pagsabot.
Huling pumutok ang naturang bulkan noong Disyembre 2024 at mula noon ay tuloy’tuloy na ang pagbuga nito ng usok at abo na nagdudulot ng panaka-nakang mga ash fall sa palibot ng bulkan.