-- Advertisements --

Nakarating na sa Thailand ang ilang mga atleta ng bansa para sa pagsabak nila sa 33rd Southeast Asian Games (SEA Games).

Bagamat noong nakaraang linggo ay mayroong naunang mga atleta at coaches na ang nakalipad ay nitong Linggo ay nakaalis naman ang mga opisyal ng National Sports Associations (NSA), Philippine Sports Commission (PSC), at Philippine Olympic Committee.

Pormal kasi na magsisimula ang torneo mula Disyembre 9 hanggang 20.

Noong Biyernes ay nagsimula ang group stage games ng men’s and women’s footbal team.

Nagwagi ang mens’ football team sa Myanmar 2-0 habang bigo naman ang women’s football team sa Myanmar 2-1.

Maging ang men’s baseball team ay tinalo ang Indonesia 14-0.

Magugunitang pangungunahan ni tennis star Alex Eala at Men’s Volleyball star Bryan Bagunas ang flag bearer sa opening ceremony sa Disyembre 9.