-- Advertisements --

Lalo pang sumadsad sa panghihina ang halaga ng piso kontra dolyar.

Sa ulat ng Bankers Association of the Philippines (BAP) nagsara sa P57.135 ang record nitong araw ng Miyerkules, kumpara kahapon sa P57.

Ayon sa BAP apektado ang piso ng paglakas ng US dollars.

Sinabi naman ng ilang analyst, may tinatawag na “global geopolitical uncertainties” na nakakapekto sa peso tulad na lamang ng giyera pa rin sa Ukraine at ang girian ng China, Amerika at Taiwan.

Naniniwala naman ang ilang ekonomista na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay posibleng magtaas na naman ng interest rates sa susunod nitong policy meeting dahil sa inflation at ang patuloy na paghina ng currency.