Aabot sa mahigit 30 health workers ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19, ayon sa Philippine Medical Association (PMA).
Dahil dito, inirekominda ni PMA president Dr. Jose Santiago na bigyan ng early testing at treatments ang mga health workers dahil exposed ang mga ito sa virus habang naka-duty.
Rekomendasyon ito ni Santiago sa kabila nang bumubuting supply ng personal protective equipments (PPEs) para sa mga health workers.
Para matiyak na hindi kaagad maubos ang kanilang supply ng PPEs, sinabi ni Santiago na may sistema silang striktong sinusunod.
Sa ngayon, patuloy pa rin aniyang tumatanggap ng mga health worker volunteers ang mga ospital.
Sa kabila ng karagdagang manpower, sinabi ni Santiago na nagpapatupad ng skeletal workforce ang mga ospital upang sa gayon mabigyan naman ng pagkakataon an gmga health workers na makapagpahinga.
















