Nagkasa ng isang humanitarian operations ang Philippine Air Force (PAF) para sa magpaabot ng tulong at assistance sa mga apektadong residente sa Davao Oriental bunsod ng ‘doublet earthquake’.
Sa ilalim ng kanilang Tactical Operations Wing Central, nakapaghatid ng tulng ang PAF bilang pagtugon sa mga pangangilangan ng mga residente sa lugar.
Ito ay batay na rin sa koordinasyon ng PAF sa Philippine Red Cross kaya nakapagpadala ng kabuuang 151 family tents, 80 water containers, 250 kitchen sets at nakapagpadala rin ng mga mosquito nets at maging plastic mats.
Ang mga relief items ay isinakay lulan ang C130 at NC212 cargo aircraft nitong Linggo, Oktubre 12.
Maliban naman sa operasyon na ito sa Davao ay nauna nang magpadala ng tulong ang PAF sa Cebu na siyang unang napinsala ng lindol noong Setyembre 30.
Samantala, tiniyak naman ng Air Force na magppatuloy lamang ang kanilang hanay na magpadala ng tulong bilang suporta sa national emergency response operations para matugunan ang mga nangangailangang komunidad sa mga napainsalang rehiyon.