NAGA CITY- Kinundina ngayon ng 9th Infantry Division, Philippine Army ang pananambang ng mga rebelde sa tropa ng gobyerno sa Labo, Camarines Norte kung saan isa ang patay habang anim na iba pang sundalo ang sugatan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Ricky Anthony Aguilar, Chief ng Division Public Affair Office ng 9ID, binigyan diin nito na ang mga rebeldeng groupo ang unang nag-alok ng ceasefire ngunit ilang oras lamang matapos ibaba ang Suspension of Military Operations (SOMO) agad na lumabag ang mga ito.

Ayon kay Aguilar, nagpapatunay ito nais sa lamang ng mga rebelde na gamitin ang ceasefire para malamangan ang mga tropa ng pamahalaan.

Maaalala na pasado alas 9:00 nitong Lunes ngumaga, habang pabalik na sana ang tropa sa Barangay Baay sa bayan ng Labo ng paulanan ng bala habang isang improvised explosive device ang pinasabog na ikinamatay ng isang sundalo habang anim ang naitalang sugatan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang clearing operation ng mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan.