Agaw pansin ngayon ang ginawang hakbang ng pharmaceutical company na Moderna matapos na kasuhan ang karibal na isa pang higanteng kompaniya na Pfizer at German partner nito na BioNTech.
Inirereklamo kasi ng Moderna ang paglabag ng Pfizer sa patents sa pag-develop ng unang COVID-19 vaccine na inaprubahan sa United States.
Inakusahan ng Moderna ang Pfizer na umano’y pagkopya sa kanilang technology na matagal nang na-develop ng ilang taon ng Moderna bago pa man daw pumutok ang pandemic.
Ayon sa mga observers maituturing na bigatin ang showdown ng naturang dalawang nangungunang manufacturers ng COVID-19 shots lalo na at pangunahin din ang mga ito sa paglaban sa virus.
Giit pa sa statement ng US-based biotech, ang kanilang patents ay nakarehistro na umano sa pagitan ng mula pa taong 2010 at 2016 na siyang bumubuo sa Moderna’s foundational mRNA technology.
Pero nangopya raw ang Pfizer and BioNTech sa naturang teknolohiya ng walang permiso sa Moderna.
“Moderna believes that Pfizer and BioNTech’s Covid-19 vaccine Comirnaty infringes patents Moderna filed between 2010 and 2016 covering Moderna’s foundational mRNA technology,” ayon pa sa Moderna statement. “Pfizer and BioNTech copied this technology, without Moderna’s permission, to make Comirnaty.”
Samantala nasorpresa naman ang Pfizer and BioNTech sa ginawa ng Moderna at tiniyak lalaban daw sila at dedepensa.
“The Pfizer/BioNTech Covid-19 vaccine was based on BioNTech’s proprietary mRNA technology,” bahagi pa ng statement ng Pfizer. “We will vigorously defend against the allegations of the lawsuit.”