Ipinaliwanag ng MalacaƱang na hindi kailangan ng isang batas sakaling ipatupad ng Pilipinas ang pag-obliga sa mga Amerikano na kumuha muna ng Philippine visa bago makapasok dito sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaari namang ipatupad ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang Executive Order (EO).

Ayon kay Sec. Panelo, hindi naman magiging bias ang bansa sa pagbibigay ng Philippine visa sa mga US citizen basta’t sundin lamang ng mga ito kung ano ang mga requirements o itinatakda ng panuntunan sakaling ipatupad na ito.

Batay sa data ng Department of Tourism (DOT), nasa 872,335 US tourists ang pumasok na sa Pilipinas sa loob ng 10 buwan ngayong taon.