TESTING 5
-- Advertisements --

Umakyat na sa 51,302 ang COVID-19 test ang kayang gawin ng Pilipinas sa loob ng isang araw at mas mataas ito sa target na 50,000 test per day sa pagtatapos ng Hunyo.

Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, June 19 pa nang nalampasan ng Pilipinas ang target test per day capacity nito.

Ang bilang ng mga laboratoryo sa bansa ay umakyat na rin sa 66.

Ayon kay Sec. Dizon, ang actual COVID test na nagagawa ng pamahalaan kada araw ay nasa 16,000 at target nila itong maikayat ss 20,000 hanggang 25,000 kada araw.

Sa kasalukuyan, ang kabuuan bilang ng COVID test na nagawa na ng bansa ay nasa higit 612,000 na at plano itong iakyat pa sa isang milyong test sa susunod na buwan.

-- Advertisement --