-- Advertisements --

Nagbunyi rin ang ilang mga basketball fans sa Pilipinas, sports leaders at PBA stars sa naging panalo ni Jordan Clarkson bilang Sixth Man of the Year.

Ang presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Al Panlilio ay hindi rin nagpahuli sa pagbati kay Clarkson.

Ayon kay Panlilio noong maging player ng Pilipinas si Clarkson sa Asian Games, nakita na nila na malayo ang mararating nito dahil sa taglay nitong world class talent.

Noong 2018 Asian Games sa Indonesia nanguna si Clarkson upang dalhin ang Pilipinas sa ikalimang puwesto.

Ang dating Gilas coach na si Chot Reyes, at dating national team captain na si Jimmy Alapag ay nagbigay saludo rin kay Clakson na ang ina ay isang Pinay.

Nagbigay pugay din sa kanilang tinawag na “brother” sina PBA stars Paul Lee ng Magnolia at Rain or Shine players na sina Gabe Norwood at James Yap.

Si Clarkson ang unang player ng franchise history ng Jazz na manalo ng naturang prestihiyosong award.

Batay pa sa NBA record ang scoring average ni Clarkson na 18.3 points kada game bilang reserve ay pinaka-highest sa liga.