Sa gitna ng pinsalang iniwan ng malakas na lindol sa Cebu, agad na kumilos ang Philippine Red Cross (PRC) Eastern Visayas Regional Blood Center upang magpadala ng mga kinakailangang blood units patungo sa Cebu Provincial Hospital sa Bogo City, na pinakamatinding tinamaan ng malakas na lindol.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, handa ang organisasyon na magbigay ng agarang suporta lalo na sa panahon ng krisis.
Aniya, mahalaga na may mabilis at madaling access sa dugo sa ganitong panahon ng sakuna. Sisiguraduhin din aniya ng Red Cross na walang pasyenteng mapapabayaan.
Layon ng hakbang na ito na tugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng maaaring sumailalim sa blood transfusion dahil sa mga tinamong pinsala at iba pang medical emergencies na dulot ng lindol.