-- Advertisements --

Muling maghahain ng diplomatic actions ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa pinakahuling panghaharas ng mga barko nito sa West Philippine Sea.

Ayon sa National Maritime Council ang panibagong agresyon na ito ng China laban sa mga barko ng Pilipinas ay talagang nakakabahala.

Ang gagawing hakbang na ito ng bansa ay upang matiyak ang kaligtasan at epektibong pagsasagawa ng maritime operations sa rehiyon.

Una nang naiulat ang panibagong panghaharass ng China Coast Guard sa BRP Datu Sanday at BRP Datu Pagbuaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ito ay kasabay ng pagsasagawa ng mga nasabing barko ng Pilipinas ng pananaliksik sa Sandy Cay 2 sa Pag-asa Island.

Giit ng National Maritime Council, ang hakbang na ito ng CCG ay maituturing na seryosong banta sa soberanya ng Pilipinas at paglabag sa international law.

Tiniyak na ahensya na tatalima ang Pilipinas sa anumang mapayapang kasunduan habang patuloy ang paggigiit sa karapatan ng bansa sa naturang rehiyon.