Umakyat na sa 19 ang naitalang patay sa Pilipinas dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa ulat ng Department of Health (DoH), isa ang nadagdag sa kanilang record sa loob ng nakalipas na magdamag.

Umabot sa 32 naman ang nadagdag sa mga positibong kaso ng COVID-19.

Ilan sa mga ito ay mga doctor at nurse na na-expose sa ilang pasyente na kanilang inalagaan.

Samantala, 13 naman ang mga naka-recover matapos ang gamutan at quarantine procedure.