-- Advertisements --

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inalis na nila ang deployment ban na pina-iral para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Saudi Arabia.

Ayon kay Bello, agad nagbago ang patakaran ang Saudi government lalo na ang mga employers, matapos ang kautusan ng Philippine government na hindi na muna magpapadala ng tao doon.

Sinabi ng kalihim na nakatanggap siya ng mensahe mula kay Saudi Ambassador to Manila Abdullah Al-Bussairy kasunod sa ibinigay na garantiya ng KSA na ang employers na ng mga OFW ang magbabayad para sa quarantine at health protocols, tulad ng swab test, pagdating doon sa kanilang bansa.

Para kay Bello, kung magtutuloy-tuloy ang ganitong sistema, gagastos ang mga Pinoy worker ng $3,500 na katumabas na ng halos isang taon na sweldo ng mga manggagawa.

Daan-daang OFW naman ang stranded sa NAIA terminal 1 at NAIA terminal 3 matapos na ipataupad ang deployment ban ng labor department.

Ayon sa ilang recruitment agencies, posibleng lumobo pa ang bilang ng mga stranded, kung hindi agad naalis ang deployment ban.