-- Advertisements --

Tutugon ang gobyerno ng Pilipinas sa request ng International Criminal Court (ICC) para magbigay ng observations sa imbestigasyon sa isyu ng drug war cases bilang kortesiya at hindi compliance.

Ito ang nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa halip aniya magpapadala sila ng impormasyon hinggil sa kung ano ang ginagawa ng pamahalaan para imbestigahan ang umano’y paglabag sa karapatang pantao sa war on drugs sa bansa.

Ayon pa sa DOJ chief, nagbigay na ng impormasyon ang DOJ kay Solicitor General Menardo Guevarra hinggil sa case records na sinisiyasat ng kagawaran.

Una rito, binigyan ng ICC Pre-Trial Chamber ang gobyerno ng Pilipinas hanggang Setyembre 8 para magsumite ng kanilang obserbasyon sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa alegasyon ng cerimes against humanity na nacommit sa war on drugs sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit iginiit rin ni Remulla na hindi na miyembro ang Pilipinas sa ICC matapos na kumalas ito sa international court noong March 2019 kung kayat hindi aniya hindi maaaring pilitin ng ICC ang Pilipinas na papasukin ang kanilang mga imbestigador sa bansa.