Handang makipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa counterpart nito sa The Netherlands kaugnay sa arrest warrant na ibinaba ng korte laban kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng pahayag ni Sison na politically-motivated ang arrest warrant na at nasa ilalim siya ng hurisdiksyon ng The Netherlands kaya hindi siya maaaring ipa-deport pabalik ng bansa.
Sinabi ni Sec. Panelo, palagi namang ito ang sinasabi ni Sison pero ibang usapin umano ngayon dahil mayroon nang arrest warrant laban sa sa kanya.
Ayon kay Sec. Panelo, dapat na raw gumising si Sison mula sa kanyang ilusyong pagpapabagsak kay Pangulong Rodrigo Duterte o sino mang pangulo ng bansa.
Magugunitang naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 laban kay Joma Sison at sa 37 iba pang miyembro nito kaugnay sa “Inopacan Massacre.”