-- Advertisements --

Muling binuweltahan ng Philippine Embassy in Washington D.C. ang China matapos nitong akusahan si Ambassador Jose Manuel Romualdez na nagkakalat umano ng maling impormasyon laban sa Beijing.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa isang statement, ay muling nanindigan ang embahada ng Pilipinas sa naging pahayag Ambassador Romualdez hinggil sa posisyon ng ating pamahalaan, partikular na sa mga banta na dulot ng unlawful, aggressive, at provocative actions ng Chinese Coast Guard at Chinese maritime militia vessel laban sa mga barko at tropa ng Pilipinas, gayundin sa mga Pilipinong mangingisda.

Kaugnay nito ay mariing inihayag ng Philippine Embassy in Washington, D.C. na hindi nito tinatanggap ang mga naging pahayang ng Chinese Embassy in Manila.

Kasabay ng pagbibigay-diin na hindi isang “mouthpieace” para sa ibang bansa si Ambassador Jose Manuel Romualdez.

Kung maaalala, nag-ugat ang lahat nang sabihin ni Ambassador Romualdez na maituturing na “real flashpoint” ang lumalalang tensyon ngayon sa West Philippine Sea na maituturing aniya na pinaka mahirap na pagsubok na kinakaharap ng Pilipinas mula noong World War II.

Bagay na hindi nagustuhan ng Chinese Embassy in Manila kasabay ng pag-aakusa kay Ambassador Romualdez na mas pinalalala lamang umano nito ang gulo sa West Philippine Sea nang dahil sa mga erroneous information na umano’y pinapakalat nito.