-- Advertisements --
Umaabot na sa 418,818 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, nakapagtala pa ang DOH ng 1,968 na mga bagong kaso ng sakit.
Pinakamarami daw na nai-report na new cases sa Cavite na nasa 107. Sinundan ng Quezon City (97), Davao City (86), Laguna (84), at Quezon province (77).
Nabawasan naman ang bilang ng active cases na ngayon ay nasa 24,209 dahil sa time-based tagging ng Oplan Recovery.
Nagdulot din ito ng pagtaas pa sa total recoveries na ngayon ay nasa 386,486 na dahil sa 10,957 na nadagdag.
Ang total deaths naman ay nadagdagan ng 43, kaya ang total ay nasa 8,123 na.