Pumalo na sa 38,511 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).
Mula sa 999 na mga bagong kaso ng sakit, 595 ang fresh cases o mga kaso ng COVID-19 na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.
Ang mga late cases naman o kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate ay nasa 404.
Samantala, patuloy namang umaakyat ang recoveries sa 10,438 na total dahil sa 205 na bagong gumaling.
Habang ang total deaths ay nadagdagan ng apat, na nagpaakyat sa kabuuang bilang na 1,270.
Ayon sa DOH, mula sa apat na bagong death cases, tatlo ang namatay noong nakaraang buwan.
May dalawa namang duplicate na tinanggal mula sa total case count.
Binigyang diin ng ahensya na asahan ang pagbabago sa mga numero ng total case count dahil sa patuloy na ginagawang paglilinis sa backlog at validation.