MANILA – Aabot na sa 989,380 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Ngayong 4 PM, Abril 24, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 9,661 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 22,877 na gumaling at 145 na pumanaw. pic.twitter.com/wuAEZteiTP
— Department of Health (@DOHgovph) April 24, 2021
Batay sa pinakabagong report ng Department of Health, nadagdagan ng 9,661 na bagong kaso ng COVID-19 ang total case count.
“1 lab was not operational on April 22, 2021 while 5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS),” ayon sa ahensya.
Ito na ang ikaapat na sunod na araw na isang laboratoryo lang ang hindi nakakapag-sumite ng datos.
Ayon sa DOH, 16.3% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 38,640 na nagpa-test sa coronavirus kahapon, April 23.
Samantala, bumaba pa sa 89,485 ang kabuuang bilang ng active cases o mga hindi pa gumagaling sa sakit.
Ito’y matapos madagdagan ng 22,877 ang bilang ng mga gumaling. Ang total recoveries ay nasa 883,221 na.
Sa ngayon 95.9% ng active cases ang mild, 1.4% ang asymptomatic, 1.1% ang severe, 0.8% ang critical, at 0.70% ang moderate cases.
Sa ikaapat na sunod na araw din, nag-ulat ang DOH ng higit 100 bagong kaso ng namatay dahil sa COVID-19.
Pumapalo na sa 16,674 ang total deaths dahil sa 145 na naitalang bagong namatay sa sakit.
“21 duplicates were removed from the total case count. Of these, 12 are recoveries.”
“Moreover, 56 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”