-- Advertisements --

MANILA – Pumalo na sa 549,176 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ngayong araw ng Linggo, February 14, nagtala ang ahensya ng 1,928 new cases. Pero hindi pa kasali rito ang ulat ng limang laboratoryo.

“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on February 13, 2021.”

Nasa 25,918 pa ang active cases o mga nagpapagaling. Mula sa kanila, 86% ang mild cases; 7.2% ang asymptomatic; at 0.91% ang moderate case.

Habang 3% pa ang mga nasa kritikal na kondisyon; at 2.9% ang severe cases.

Nadagdagan naman na 10,967 ang total recoveries dahil sa time-based tagging na “Oplan Recovery.” Nasa 511,743 na ang mga gumaling.

Samantala, mayroon ng 11,515 na namatay matapos pang madagdagan ng walong new deaths.

“7 duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 are recoveries.”

“Moreover, 1 case that was previously tagged as a recovery was reclassified as a death after final validation.”