Nasa halos 430,000 na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Matapos ang 20-araw, muling nakapagtala ang DOH ng higit 2,000 bagong kaso ng sakit na umabot sa 2,076. Kaya ang total ay nasa 429,864.
“7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on November 28, 2020.”
Batay sa datos ng ahensya, ang Quezon City ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa 137 new cases.
Sinundan ng Laguna (122), Cavite (103), Batangas (96), at Angeles City, Pampanga (79).
Nabawasan naman ang bilang ng active cases na nasa 22,867 pa matapos ang time-based tagging na ginawa ng ahensya sa ilalim ng Oplan Recovery.
Nagbunga rin ito ng pagsipa ng total recoveries sa 398,624 dahil sa 10,579 na nadagdag sa hanay ng mga gumaling.
Habang 40 ang bagong naitalang patay, na nagpaakyat sa total na 8,373.
“2 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 were recovered cases.”
“In addition, 7 recovered cases found to be negative and were removed from the total case count after final validation. Moreover, 8 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”