-- Advertisements --

Itinutulak ngayon ni Senate committee on national defense chairman Sen. Panfilo Lacson na repasuhin na ang kasalukuyang Philippine-China diplomatic ties.

Ayon kay Lacson, hindi na tugma sa sinasabing pagkakaibigan ang ginagawang pag-angkin ng higanteng bansa sa ating teritoryo.

Giit nito, tuloy-tuloy ang pambu-bully ng Beijing, kasabay ng pagbalewala sa ating diplomatic protest.

Dapat aniyang suportahan ng Senado si Foreign Affairs Secretary Teodor Locsin Jr., na naghahain ng sunod-sunod na reklamo at pinapalayas ang China sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Dagdag pa nito, napapanahon na ang pag-review sa diplomatic ties ng Pilipinas at China upang matiyak na tama ang pagtrato sa atin ng higanteng bansa, katulad din ng iba pang kapit bahay natin sa Asya.