Kabilang ang Pilipinas sa 142 iba pang states na bomoto ng pabor para kondenahin ang illegal annexation ng Russia sa apat na rehiyon ng Ukraine sa ginanap na United Nations (UN) General Assembly.
Inaprubahan sa General Assembly ang isang resolution kung saan nasa 143 estado ang pumabor at lima ang tumutol na kinabibilangan ng Russia, Belarus, Nicaragua, North Korea, at Syria.
Habang nasa 35 bansa naman ang nag-abstain kabilang dito ang China, India, South Africa at Pakistan.
Ang Bangladesh, Iraq at Senegal na nauna ng nag-abstain noong Marso ay bomoto ng pabor para kondenahin ang Russia.
Sa naturang resolution, nanawagan ito sa lahat ng UN members at international agencies na huwag kilalanin ang anumang pagbabago na idedeklara ng Russia sa borders nito sa Ukraine at hinihingi sa Moscow na agad na baligtarin ang desisyon nito hinggil sa annexation.