Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na babaguhin na ng Pilipinas ang diskarte o estratehiya sa pagharap sa China upang tugunan ang isyu sa West Philippine Sea imbes panatilihin ang “traditional methods of diplomacy” na patuloy namang binabalewala ng China at nagpapatuloy pa rin sa kanilang aggression at harassment sa pinag-aagawang teritoryo.
Binigyang-diin ni Pang. Marcos na panahon na para bumuo ng bagong estratehiya sa pagharap sa China.
Ayon sa Chief Executive tila hindi na epektibo ang traditional methods of diplomacy gaya ng pagpapadala ng note verbal sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs.
Inilarawan ng Pangulo ang nasabing pamamaraan na “in a poor direction.”
“We have to do something what we have not done before. We have to come up with a new concept, a new principle, a new idea so that we move, as I say, we move the needle the other way. It’s going up, let’s move the needle back, so that paradigm shift is something that we have to formulate,” pahayag ng Pang. Marcos.
Naniniwala kasi ang Pangulong Marcos na hindi gaganda ang sitwasyon sa West Philippine Sea kung hindi babaguhin ang estratehiya sa pagharap sa China.
Siniguro ng chief excutive na magpapatuloy ang Pilipinas na makipag-usap sa mga partners nito sa Indo-Pacific region at sa iba pang mga bansa sa mundo na layong ide-escalte ang tensiyon sa West Phl Sea.
Tumanggi naman si Pang. Marcos ihayag kung anong paradigm shift ang gagawin ng Philippine government.
“We have to bring all of those ideas together and to change the direction that these incidents have taken us. We have to stop going that way. We’ve gone down the wrong road. We have to disengage and find ourselves a more peaceful road to go down,” pahayag ni Pang. Marcos.
Ipinunto din ng Pangulo na dapat bilisan na ng Pilipinas ang pagharap sa China sa isyu sa West Phl Sea dahil naaapektuhan na ang hanapbuhay ng mga Filipinong mangingisda.