PH sea games arnis

Dumagundong sa saya ang buong Angeles University Foundation matapos maibulsa ng Philippine National Arnis Team ang ikatlong gintong medalya ng Pilipinas ngayong araw para sa larangan ng Arnis.

Pinayuko ni Jesfer Huquire ang kaniyang kalaban na si Nay Lin Oo mula Cambodia para sa Arnis paddlestick bantamweight division.

Hindi naman nakabawi mula sa sunod sunod na puntos ang pambato rin ng Cambodia na si Chun Ssok matapos siyang paulanan ng palo ni Elmer Manlapas ng Pilipinas para naman sa Featherweight division.

Huling nasungkit ng atletang si Carloyd Tejada ang ikatlong ginto ng Pilipinas para sa welterwight division kontra Myanmar.

Ito na ang ikawalong gintong medalya ng Pilipinas para sa arnis kung saan kahapon ay tumipon ang koponan ng limang gintong medalya.