Sinimula na ng American drugmaker na Pfizer ang phase 1 trial ng kanilang capsule na kayang labanan ang COVID-19.

Isinagawa ang phase 1 trial ng PF-07321332 sa mga healthy adults sa US.

Ang nasabing pill ay isang protease inhibitor na kakapit sa viral enzyme at lalabanan ang SARS-CoV-2, COVID-19 causative agent.

Epektibo rin aniya ang protease sa paggamot sa ibang mga sakit gaya ng HIV at hepatitis C virus.

Ang nasabing COVI-19 oral drug ay potensiyal na gamot na ibibigay sa mga COVID-19 patients na hindi kinakailangan na dalhin pa sa mga pagamutan o may mga kritical na kalagayan.