-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 01 16 53 09 66
IMG 20200701 165344

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petition na inihain ni dating Law Dean Jaime Ibañez na kumukuwestiyon sa
Bayanihan law at iba pang quarantine measures.

Base sa petition for certiorary and prohibition na inihain ng petitioner, kinuwestiyo nito ang ligalidad ng Bayanihan to Heal as One Act o RA 11469, Presidential Proclamations No. 922 at 929, series of 2020 ang at Omnibus Guidelines sa pagpapatupad ng Community Quarantine sa bansa.

Ayon sa Korte Suprema, bigo ang petitioner na makapagpakita ng katibayan na nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan o grave abuse of discretion sa pagpapatupad ng mga respondents ng nasabing batas.

Kabilang sa respondents sa petisyon sina Health Sec. Francisco Duque III, Cabinet Secretary Karlo Nograles at ang Inter Agency Task Force (IATF).

Magugunitang noong April 29, 2020 nagpalabas ang task force ng Omnibus Guidelines sa pagpapatupad ng community quarantine sa gitna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Marso 8, 2020 nang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19.

Noong Marso 16, 2020, inisyu naman ng Pangulo ang Proclamation No. 929 na nagdedeklara ng State of Calamity sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon simula noong hatinggani ng April 12, 2020.

Marso 24, 2020 naman nang ipasa ng Kongreso ang R.A. 11469 na nagdedeklara ng state of national emergency dahil sa COVID-19 pandemic.

Abril 29 nang mag-isyu ang IATF ng Omnibus Guidelines sa pagpapatupad ng community quarantine na pirmado ng mga respondents.