-- Advertisements --
supreme court

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na humihiling sa kataas-taasang hukuman para ilabas ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang health records.

Ayon kay SC Spokesman Brian Keith Hosaka, sa botong 13-2 ay hindi pinagbigyan ng SC ang hirit ni Atty. Dino de Leon na ilabas ng Pangulo ang kanyang latest psychological examination results, health bulletins at medical records.

Kabilang sa dalawang nagbigay ng kanilang dissenting opinion sina Justices Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

Ang sumulat sa desisyon ay si Associate Justice Henri Jean Paul Inting.

Noong Abril 13 ngayong taon nang maghain ang naturang abogado ng petisyon at ginamit na basehan ang Section 12, Article VII ng Constitution.

Nakasaas dito na kapag mayroon seryosong sakit ang isang pangulo ay kailangan itong malaman ng publiko.

“In case of serious illness of the President, the public shall be informed of the state of his health,” base sa Section 12, Article VII ng Constitution