-- Advertisements --
Bukas ang Department of Trade and Industry (DTI) sa panukalang magkaroon ang bansa ng credit facility para matulungan ang mga exporters mula sa mataas na taripa na ipinapatupad ng US.
Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, na maaring hanggang sa isang buwan ay mabuo nila ang credit facility sa pamamagitan ng Small Business Corp (SBCorp) ang financing arm ng DTI.
Dagdag pa nito na madali lamang ang control dahil siya ang kasalukuyang chairman ng SBCorp.
Mayroong sapat na pondo ang SBCorp na magbigay ng financial na tulong sa mga exporters malaki man o maliit na apektado ng reciprocal tariff ng US.