Ibinasuran ngayon ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang petisyon ng pamahalaan para ipadeklarang terrorist organization ang Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA).
Ang kaso ay isinampa ng Department of Justice (DoJ) apat na taon na ang nakaraan.
Una rito, muling binuhay ang petisyon ng gobyerno na ideklaranag terrorist group ang rebeldeng grupo sa ilalim ng Rep. Act No. 9372 o ang Human Security Act of 2007.
Ito ay matapos na aprubahan ang motion for reconsideration na inihain ng DoJ.
Unang inihain ang orihina na petisyon noong Pebrero 2018 at noong enero 3, 2019, muling naghain ng amended petition ang DoJ sa Manila Regional Trial Court.
Ibinasura na rin dati ng korte ang petisyon ng DoJ noong Enero 20, 2020 dahil sa kabiguan ng Justice department upang usigin ang grupo sa korte kung saan hindi naisilbi ang summons sa mga respondents.
Kinasasangkutan ito ng 500 pangalan ng mga miyembro ng naturang organisasyon.
Ilang beses din itong naamiyendahan hanggang sa naging 20 na lamang ang isinangkot.
Para madetermina ang nagawang terrorist acts, nagbigay ng scope ng kanilang assessment sa siyam na umano’y insidente na kinasasangkutan ng miyembro nito laban sa mga sibilyan.
Kabilag dito ang pagpatay kay Bontola Mansinugdan sa Agusan del Sur noong December 31, 2019.
Ang pagpatay noong March 19, 2020 kay Datu Astudillo at Zaldy Ibañez sa Sitio Inadan, Barangay Magroyong, San Miguel, Surigao del Sur.
Kasama pa rito ang pag-ambush kay Datu Jumar Bucales at kasamahan nito sa Sitio Mamprasanon, Barangay Banahao, Lianga sa Surigao del Sur noong October 4, 2020.
Ang July 6, 2020 killing kay Datu Jomar Engayas sa Sitio Sangay, Barangay Libas-sud, San Miguel, Surigao del Sur maging ang bigong tangkang pagpatay kay Department of Education (DepEd) Teacher Eli Apacible sa Purok Hitaon, Barangay Awasian, Tandag City, Surigao del Sur noong October 16, 2020.
Kasama pa rito ang pagpatay sa 70-year-old Datu Benedicto Dinoy sa Dumalaguing Village, Impasugong, Bukidnon noong August 13, 2020.
Ang pagsunog sa chapel at residential houses sa Barangay Limunda, Opol, Misamis Oriental noong May 28, 2020.
Maging ang May 30, 2019 abduction ng pitong sibilyan kabilang na sina Ryard Badiang na kinalaunan ay pinugutan sa Barangay Maitum, Tandag City, Surigao del Sur at ang pagpatay kay Datu Saidor Balansi sa Sitio KM 18, Barangay Besigan, Cagayan de Oro City noong July 21, 2020.
Ang CPP-NPA ay nakalista bilang isang teroristang organisasyon sa iabng bansa gaya ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, at New Zealand.