-- Advertisements --
supreme court

Kinumpirma ng Supreme Court (SC) na nai-raffle na ang petisyon ABS-CBN Corporation laban sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon kay SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, naitalaga na sa isang mahistrado ng kataas-taasang hukuman ang naturang petisyon ng ABS-CBN kontra sa NTC.

Pero sinabi ni Hosaka na hindi na naglabas si Hosaka ng iba pang detalye ukol sa raffle dahil ito aniya ay “confidential” alinsunod na rin sa internal rules ng SC.

Noong nakaraang taon nang naghain ang ABS-CBN ng petisyon sa Korte Suprema para ihirit na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa cease and desist order (CDO) ng NTC noong Mayo 5.

Nais ng kumpanya na ipatigil sa SC ang implementasyon ng NTC order na nagpahinto sa operasyon ng ABS-CBN.

Ayon naman sa Korte Suprema, natanggap nila ang petition for certiorari and prohibition ng ABS-CBN pero hindi ito natalakay ng en banc noong Biyernes.

Sa halip, itinakda ngayong Lunes ang raffle ng naturang petisyon at mayroon na ngang member-in-charge para rito.