-- Advertisements --
Ganap ng batas ang panukala na nagsusulong ng permanent validity ng birth, death at marraige certificates.
Sa isang dokumento na may petsang August 1 mula sa office of the President, ibinahagi ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr na siyang nag-sponsor ng Republic Act No. 11909 o ang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act na pinagtibay ito noong August 1.
Sinabi ng senador na ang pagkakapasa nito bilang batas ay panalo ng bawat Pilipino na hindi na kailangang gumastos pa ng paulit-ulit sa mga certificates dahil permanente na ang bisa ng mga ito.