Duterte
President Rodrigo Duterte/ FB image
-- Advertisements --

Nananatili pa rin sa banko ang pera na inilaan para sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Sa kaniyang national address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran lamang ang nasabing mga bakuna kapag ito ay naideliver na.

Ang nasabing pahayag aniya ay para matanggal ang haka-haka sa usapin na nagkaroon ng kurapsyon ng pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19 .

Dagdag pa ng pangulo na mismong ang banko ang magbabayad sa mga suppliers ng bakuna.

Inihayag ito ng pangulo matapos ang natanggap nitong mga batikos sa ilang mambabatas na nagkaroon ng anomalya sa pagbili ng bakuna.

-- Advertisement --