-- Advertisements --
Screenshot 20210829 035920 Chrome

Sigurado raw ang Pentagon na dalawang “high profile” ISIS-K na target sa Afghanistan ang namatay sa drone strike ng Estados Unidos bilang paghihiganti sa isinagawang terrorist attact sa labas ng Kabul International airport.

Sa naturang pag-atake 13 US service members ang namatay habang 170 pa ang namatay.

Ayon kay Maj. Gen. Hank Taylor, deputy director ng Joint Staff For Regional Operations, maliban daw sa dalawang mataas na opisyal ng ISIS na namatay ay isa rin ang sugatan.

“I can confirm, as more information has come in, that two high-profile ISIS targets were killed, and one was wounded. And we know of zero civilian casualties. Without specifying any future plans, I will say that we will continue to have the ability to defend ourselves and to leverage over-the-horizon capability to conduct counterterrorism operations as needed,” ani Taylor.

Sinabi naman ni Pentagon spokesperson John Kirby na ang lahat ng target ay natamaan sa single strike.

Aniya, ang mga namatay ay mga “ISIS-K planners and facilitators.”

Una rito, sinabi ng US defense na isa sa mga indibidwal ay pinaniniwalaang may planong magsagawa ng pag-atake sa airport sa mga susunod na araw.

Isa raw itong “known entity” pero hindi naman tinawag ng US na “senior” ISIS-K operative ang naturang indibidwal.

“I’m not going to talk about specific capabilities ISIS may have lost in this strike. They lost a planner, and they lost a facilitator. And they have one wounded. The fact two of these individuals are no longer walking on the face of the Earth, that’s a good thing,” ani Kirby.